Article Inside Page

Showbiz News

Hindi napigilan ni Kara David na kiligin sa kaniyang idol na si Gloc-9!Ibinahagi ng award-winning Kapuso broadcast journalist na si Kara David sa kaniyang social media accounts ang isang nakakatuwa at nakakakilig na pagkakataon kung saan nakasama niya para sa isang panayam ang kaniyang iniidolo.

Sa isang post, nakatutuwang nagpa-teaser si Kara tungkol sa kaniyang naging reaksyon at excitement nang ma-meet ang kaniyang kakapanayaming idolo, dahilan upang marami sa kaniyang mga tagasubaybay at netizens ang manghula kung sino ito.

Sa hiwalay na video, kitang-kita ang excitement sa mukha ni Kara sa kaniyang pagpasok sa opisina ng GMA Public Affairs para sa shoot ng kaniyang podcast na I-Listen kung saan tampok ang sikat na Filipino rapper at ang kaniyang idolo na si Gloc-9 bilang guest.