Article Inside Page
Showbiz News
Magkasabay na tinanggap nina Kara David at Ivana Alawi ang Best Host for Public Service award mula sa FAMAS Broadcast Awards 2026. Basahin ang kanilang mensahe dito.Kapwa pinarangalan ang award-winning broadcast journalist na si Kara David at ang actress at content creator na si Ivana Alawi bilang Best Host for Public Service sa FAMAS Broadcast Awards 2026, na ginanap noong Lunes, July 20, sa The Manila Hotel.
Sabay na tinanggap nina Kara at Ivana ang kanilang award at nagbigay ng kanya-kanyang mensahe.
Sa kanyang speech, binigyang-pugay ni Kara ang paghihirap ng kanyang crew at staff. Pinasalamatan din niya ang mga taong pinagkatiwalaan sila ng kanilang mga kuwento.






