Article Inside Page

Showbiz News

Punong-puno ng pasasalamat si Kara David kasunod ng kaniyang pagkapanalo sa nagdaang FAMAS Broadcast Arts Awards.Ipinahayag ng kilalang Kapuso broadcast journalist at documentarist na si Kara David ang kaniyang taos-pusong pasasalamat kasunod ng pagtanggap ng ilang pangunahing parangal sa nagdaang kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards.

Sa kaniyang mga sunod-sunod na posts, hindi maitago kay Kara ang saya at pasasalamat sa mga parangal na natanggap tulad ng parang bilang “Best Host for Public Service” para sa kaniyang programang I-Listen.

Nagkamit din ang GMA Public Affairs podcast niyang ito ng parangal bilang “Best Public Affairs Talk Show.”