Article Inside Page

Showbiz News

Emosyonal at puno ng pagmamahal ang iniwang mensahe ni Sue Ramirez sa kanyang yumaong inang si Mommy Chit.Naging madamdamin at puno ng emosyon ang naging social media post ng aktres na si Sue Ramirez kung saan namaalam siya sa kanyang pinakamamahal na inang si Concepcion Dodd o mas kilala sa tawag na “Chit.”

Sa naturang post, nagbahagi si Sue ng isang carousel ng mga larawan nila ng inang si Chit sa masasaya at memorable na mga tagpo noong ito ay nabubuhay pa. Kalakip ito ng isang madamdaming mensahe sa caption kung saan ipinahayag ng aktres ang pagmamahal at kalungkutan sa pagkawala ng minamahal na ina.

“Kung may mas mahaba pa sa habang buhay ganun kita katagal mamahalin, Mi,” sulat ni Sue sa kanyang caption.