Article Inside Page

Showbiz News

Naglabas na ng kaniyang sentimento si Kim Chiu tungkol sa mga sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa bansa.Nagpahayag ng saloobin ang Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu hinggil sa kalagayan ng bansa kasunod ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng Habagat.

Sa kaniyang post sa social media platform na X (dating Twitter), binigyang-diin ni Kim na ang ilang buwang tuloy-tuloy na ulan at matinding pagbaha ay nagdulot na ng malaking pinsala at mga casualty.

“Ilang buwan na tayong nakakaranas ng sunod-sunod na ulan. Baha dito, baha doon,” ani Kim.