Article Inside Page

Showbiz News

Content creator and vlogger na si Mimiyuuuh, naalala ang binitiwan niyang salita sa kanyang ina na pinagsisihan niya nang husto.Malayo na ang narating ng social media star, vlogger, at endorser na si Mimiyuuuh, na lumaki sa lansangan ng Baclaran at tumulong noon sa kanyang mga magulang sa pagtitinda ng RTW.

Sumalang ang internet personality sa I-Listen podcast na hino-host ni Kara David, kung saan binalikan niya ang kanyang simpleng buhay bago siya nakilala.

“Noong naghihirap kami, siyempre nagtatanong ako kung bakit nangyayari ito sa amin.