Article Inside Page
Showbiz News
Naging emosyonal si Kuya Kim nang maalala kay Lans ang yumaong anak na si Emman.Naging emosyonal si Kuya Kim Atienza sa panayam niya sa content creator na si Lans, o si Louise Anne Nagal. Naging guest kasi si Lans ng tinaguriang Trivia King sa kaniyang show na Dami Mong Alam, Kuya Kim nitong Sabado, June 27.
Pagkatapos ng kaniyang guesting, nagkaroon naman si Kuya Kim ng pagkakataon na makapanayam si Lans sa Dami Mong Alam, Kuya Kim Vlogs sa GMA Public Affairs Youtube Channel.
Dito, binalikan ni Kuya Kim kung papaano nagsimula si Lans sa kaniyang karera, na isang veterinary med student na nagbibbigay ng interesting “fun facts” at entertainment tungkol sa tamang pag-aalaga sa mga animals.






