Article Inside Page
Showbiz News
Labis ang pasasalamat ng Sparkle actress na si Elle Villanueva sa positive feedback ng netizens sa kaniyang karakter na si Vanessa sa 'Apoy Sa Dugo.'Matitinding mga tagpo ang nasasaksihan sa GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Dugo, na pinagbibidahan nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, natutuwa si Elle sa positive feedback sa kaniya ng netizens dahil sa paghihiganti ng karakter niyang si Vanessa laban sa kapatid na si Angel, na ginagampanan naman ni Ashley.
“Nababasa ko do'n sa mga comments, natutuwa 'yung mga tao. Sobrang grateful ako kasi ever since, 'yun naman talaga 'yung goal ko, is mapansin bilang magaling na aktor. So, I'm really happy that people are finally recognizing my craft,” pagbabahagi niya.






