Article Inside Page
Showbiz News
Sasabak sa Miss International sa Japan si Katrina Anne Johnson sa November.Ilang buwan na lang bago ang Miss International, at sinisiguro ng Philippine representative na si Katrina Anne Johnson na punuin ang kanyang oras ng advocacy work at pagtulong sa kapwa bago siya bumiyahe.
Nag-upload ng ilang mga picture sa kanyang Instagram si Katrina kung saan makikita siyang nasa outreach program para sa mga elderly ng Malanday, Valenzuela. Sa caption, sinabi ni Katrina na nag-distribute siya at ang kanyang mga kaibigan ng vitamins, pagkain, at ilan pang mga pangangailangan ng komunidad.
Isa lamang ito sa mga activities na pinagkakaabalahan ni Katrina. Nitong nakaraang buwan, nakilahok si Katrina Anne Johnson sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng Japan-Philippines friendship bago siya magtungo sa Japan ngayong November para i-represent ang bansa sa 2026 Miss International pageant.






