Article Inside Page

Showbiz News

Bibisita si Katrina Johnson sa Japan sa November para sa Miss International pageant.Ipinagdiwang ni Katrina Anne Johnson ang ika-70 taon ng Japan-Philippines friendship bago siya magtungo sa Japan ngayong November para i-represent ang bansa sa 2026 Miss International pageant.

Nag-upload ng Instagram photos si Katrina na napaliligiran ng bulaklak ang kanyang mukha. Sa caption, ipinagdiwang ni Katrina ang ika-70 Philippines-Japan friendship anniversary, at sinabing isa itong “relationship that has grown through generations of trust, shared experiences, and deep appreciation for each other's cultures.”

Ibinahagi din ni Katrina ang pangrap niya na mas lalong lumalim ang pagkakaibigan sa pagitan ng Philippines at Japan “not only as nations, but also as people”.