Article Inside Page

Showbiz News

Kinoronahan kamakailan lang ni Katrina Anne Johnson ang kanyang successor na si Gwendoline Meliz Frias Soriano.Ilang araw na ang lumipas mula ng koronahan ni Katrina Anne Johnson ang kanyang Binibining Pilipinas International successor, at sa social media, nagpost ng taos-pusong pasasalamat ang beauty queen para sa mga taong nakasama niya sa kanyang pageant journey.

Nag-upload nang ilang mga photos si Katrina sa Instagram ng kanyang final walk sa 2026 Binibining Pilipinas coronation night, kasama ang isang mahabang caption kung saan nagpasalamat siya sa kanyang pamilya at kanyang team na nakasama noong 2025 Binibining Pilipinas pageant at ngayong naghahanda na siya para sa 2026 Miss International pageant ngayong November.

Ibinahagi ni Katrina sa caption ang layunin niyang ipagmalaki ng kanyang mga kababayan. Ayon sa kanyang caption, “In a few months, I'll have the privilege of carrying 117 million Filipino smiles, stories, and dreams to Japan. I only hope I can make every single one of you proud.”