Article Inside Page
Showbiz News
Isang pink Manny Halasan Filipiniana ang suot ni Miss Supranational Philippines Katrina Llegado sa kanyang Miss Supranational sashing ceremony.Simula na talaga ang journey to the Miss Supranational crown ni Katrina Llegado ngayong pormal na siyang sinuotan ng sash sa Poland, habang suot ang isang pink na damit na gawa ng isang Filipino designer.
Nag-share si Katrina nang maraming photos at videos mula sa kanyang Miss Supranational sashing ceremony na ginanap sa Hotel Swing sa Poland, at makikita sa mga ito na suot niya ang isang pink na Manny Halasan Filipiniana para sa event. Sa isang post, sinulat ni Katrina na isang karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa pagsisimula ng kanyang Miss Supranational journey.
Maaaring ngayon pa lang opisyal na nagsisimula ang Miss Supranational journey ni Katrina, pero puspusan ang trabahong ginawa niya at ng The Miss Philippines upang masiguro na malayo ang mararating niya sa pageant. Kamakailan lamang ay nanawagan ang The Miss Philippines organization sa mga Filipino fans para suportahan si Katrina sa Miss Supranational YouTube Influencer Opportunity. Isinama din ng organization sa kanilang Instagram post ang instructions kung paano siya matutulungan.







