Article Inside Page

Showbiz News

Nakibahagi si Miss International Philippines Katrina Anne Johnson sa Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare para ipagdiwang ang International Youth Day.Patuloy ang focus ni Miss International Philippines Katrina Anne Johnson sa advocacy work habang papalapit na ang Miss International pageant.

Nag-upload ng mga picture si Katrina sa kaniyang Instagram account na nagpapakita sa kaniyang pakikibahagi sa Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare bilang parte ng International Youth Day. Layunin ng Walang Gutom Program na i-address ang involuntary hunger, malnutrition, at stunting ng mga Pilipino.

Sa kaniyang caption, sinulat ni Katrina na isa sa pinakamagandang bagay na maaring gawin ng mga adult para sa kabataan ay “to take them seriously” at “to make room for them today” at pakinggan sila, paniwalaan ang kanilang potential, at magbukas ng pinto para sa kanila.