Article Inside Page
Showbiz News
Parehong nasa Poland si Katrina Llegado at Felipe Marasigan para iuwi ang Miss at Mister Supranational crowns.Malapit na ang final nights para sa pageants nina Katrina Llegado at Felipe Marasigan, at pareho pa rin silang agaw-atensyon hanggang sa huling sandal.
Parehong nag-upload ng mga pictures nina Katrina at Felipe sa kanilang sportswear looks para sa Miss and Mister Supranational pageants ang The Miss Philippines at Mister Pilipinas Worldwide organizations sa kanilang mga respective Instagram accounts.
Para kay Katrina, nag-upload ang The Miss Philippines organization ng mga photos niya na nakasuot ng pickleball outfit kasama ang paddle. Ayon sa caption ng The Miss Philippines organization, parte na ng active lifestyle ni Katrina ang pickleball, at dinala niya sa Miss Supranational preliminary evaluation stage ang energy at discipline na dala niya rin sa pickleball court.








