Article Inside Page

Showbiz News

Ibinahagi ng seasoned actress na si Meryll Soriano ang kanyang excitement para sa upcoming Kapuso show na 'Delivery Boi.'Mapapanood ang batikang aktres na si Meryll Soriano sa upcoming Kapuso serye na Delivery Boi, na pagbibidahan ng Sparkle actor na si Will Ashley.

Sa recent “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi niya ang kanyang excitement para sa nasabing serye dahil na-miss niya ang maghatid ng tuwa sa viewers.

“It's something that I miss doing. Lumaki kasi ako sa sitcom. 'Di ba lagi akong napupunta sa drama,” pagbabahagi niya.