Article Inside Page

Showbiz News

Pinangungunahan ni Will Ashley ang upcoming Kapuso drama-comedy series na 'Delivery Boi.'Bibida ang Sparkle star na si Will Ashley sa pinakabagong drama comedy series ng GMA na Delivery Boi.

Sa "Chika Minute" report ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend, ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Second Big Placer ang kanyang excitement sa pagbibidahang serye.

"First lead serye ko nga po ito, and sobrang blessed lang talaga na nasa ganitong punto na ako ng buhay ko. Nae-excite ako at ang dami ko nang naiisip sa utak ko, lalo na nung nakita ko 'yung mga kasama ko rito sa Delivery Boi," pagbabahagi ni Will.