Article Inside Page

Showbiz News

Puspusan ang paghahanda ni Will Ashley para sa kanyang lead role sa upcoming series na 'Delivery Boi.'Sumailalim si Will Ashley sa safety in riding seminar kamakailan para sa pinakabagong Kapuso serye na Delivery Boi. Kasama niya rin dito ang co-stars na sina Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez.

Bukod dito, sumalang din sa training ang cast sa pagmamaneho ng automatic at manual na motor. Sa interview ng GMANetwork.com kay Will, nagpapasalamat siya na madali niyang natutuhan ang pagmamaneho ng motorsiklo.

“At first, nakakakaba siya kasi ngayon lang ulit ako nag-motor after two, three years, but sobrang excited ako nung susubukan ko na siya. Nagkaroon ako ng kaba nung nalaman ko na may clutch yung gagamitin ko 'tapos, yung malaki pa. Pero yun nga, thank you Lord, fast learner at natutunan ko naman siya agad,” kwento niya.