Article Inside Page

Showbiz News

Makakasama ng Sparkle actor na si Will Ashley ang mga premyado, batikan, at promising stars sa upcoming Kapuso comedy drama series na 'Delivery Boi.'Bibida ang Sparkle actor na si Will Ashley sa pinakabagong Kapuso series na Delivery Boi.

Ang upcoming serye ay ang kauna-unahang title role ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2nd Big Placer.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Will sa naganap na story conference kamakailan, ikinuwento niya na sasabak naman siya ngayon sa isang comedy series.