Article Inside Page

Showbiz News

Sumailalim ang 'Delivery Boi' actors na sina Will Ashley, Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez sa safety in riding seminar para sa kanilang roles sa upcoming serye.Puspusan ang paghahanda ng Kapuso stars na sina Will Ashley, Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez para sa upcoming serye na Delivery Boi.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, sumabak sina Will, Mikoy, Vince, at Gio sa safety in riding seminar upang mas maging makatotohanan ang kanilang pagganap bilang riders sa serye.

Sumalang din sa training ang cast sa pagmamaneho ng automatic at manual na motor. Ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Second Big Placer ang kanyang natutunan mula sa naganap na seminar at training.