Article Inside Page
Showbiz News
Excited na ang seasoned actress na si Meryll Soriano na makasama ang kanyang co-stars sa upcoming Kapuso series na 'Delivery Boi.'Kabilang ang premyadong aktres na si Meryll Soriano sa powerhouse cast ng upcoming Kapuso drama comedy series na Delivery Boi.
Sa interview ng GMANetwork.com kay Meryll sa naganap na story conference kamakailan, ibinahagi ng versatile star ang kanyang excitement sa mga makakasama niya sa naturang serye.
“I'm just so happy na good vibes ang aming show, ang Delivery Boi, at we will deliver happiness sa afternoon audience. And I'm so excited na makakasama ko 'yung cast, may mga nakasama na ako dati na ngayon lang kami nagkita at may mga bagong mga bata na makakasama ko, especially 'yung anak kong si Will,” pagbabahagi niya.







