Article Inside Page
Showbiz News
Kilalanin ang mga world-class OPM artists na magpapagalingan sa 'Family Feud' ngayong July 31.Punong-puno ng nostalgia at world-class OPM talent ang hatid ng Family Feud ngayong Biyernes.
Sa pagtatapos ng July, maghaharap ang dalawang grupo ng ilan sa mga pinakaminamahal na OPM artists. Sila ay ang The OG Performers at The Timeless Voices.
Binubuo ng mga kilalang male OPM artists na sumikat noong '90s ang The OG Performers. Pangungunahan ang kanilang grupo ng first-time Family Feud guest na si Miguel Vera. Si Miguel ay ang stage actor at singer sa likod ng hit na "Nais Ko." Pagkatapos manirahan sa Amerika at magtrabaho bilang truck driver, nagdesisyon siyang muling bumalik sa Pilipinas.






