Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang mga P-Pop stars ng 'Born to Shine' sa 'Family Feud' ngayong July 10!Ready na ba ang lahat para sa isang exciting na P-Pop Friday episode ng Family Feud?

Mas magiging mainit ang kompetisyon ngayong July 10 sa Family Feud dahil haharap sa survey board ang dalawang paboritong P-Pop girl groups mula sa hit afternoon prime musical drama na Born to Shine!

Bago magsimula ang tapatan sa Family Feud stage, magbibigay muna ng special performances ang Team Yumi at Team Nixi, tampok ang ilan sa kanilang mga original songs mula sa Born to Shine.