Article Inside Page

Showbiz News

Kilalanin ang iba pang makakasama nina Eugene Domingo, Dolly De Leon, Jo Berry, at Boobay ngayong July 1 sa 'Family Feud.'Masaya at exciting na bakbakan ang bubungad sa buwan ng Hulyo sa Family Feud dahil maghaharap ang Team Motha Stunnas at Team Master Cutter Cuties.

Ngayong July 1, pangungunahan ng multi-awarded actress na si Eugene Domingo ang Team Motha Stunnas, kasama ang fellow theater friends and accomplished performers na sina Dolly De Leon, Candy Pangilinan, at Frances Makil-Ignacio. Matagal nang magkakasama ang apat sa theater scene kung saan nila nahasa ang kanilang husay sa pag-arte at nabuo ang matibay nilang samahan. Sa kasalukuyan, tampok si Eugene sa PETA stage musical na Ang Babae sa Septic Tank 4: Oh, Sh*t! It's Live sa Theater!

PHOTO SOURCE: Family Feud