Article Inside Page
Showbiz News
Inamin ni Kapuso dramatic action star Anton Vinzon na halos wala nang choreography ang kanilang mga fight scene sa family sports drama series na 'Kamao' para maging mas makatotohanan ang bawat eksena.All-out si Kapuso dramatic action star Anton Vinzon sa kanyang mga boxing scene sa pinagbibidahan niyang family sports drama series na Kamao.
Ayon sa aktor, isa sa pinakamalaking hamon sa kanyang karakter ay ang matinding pisikal na paghahanda na kinakailangan para maipakita nang kapani-paniwala ang isang propesyonal na boksingero.
Aniya sa press conference ng Cornerstone Entertainment kamakailan, "Nakaka-pressure po talaga yung character ko kasi 'yung character ko is puro hubad sa scene, puro boxing, and pro na ako sa boxing industry sa Kamao. Mine-maintain ko po talaga 'yung physique para malaman din po ng tao na totoo po talaga 'yung boxing na ginagamit at talagang suntukan na suntukan po talaga."






