Article Inside Page
Showbiz News
Gusto ng 'Kamao' stars na sina Anton Vinzon at Bruce Roeland na maging makatotohanan ang fight scenes nila sa loob ng boxing ring sa GMA family sports drama series kaya hindi nila naiwasang magkatamaan ng suntok.Inamin ng Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon at ng Kamao co-star niyang si Bruce Roeland na aksidente silang nagkakatamaan sa set ng GMA family sports drama series habang kinukunan ang kanilang fight scenes sa loob ng boxing ring.
Ayon kay Bruce, hindi ito maiiwasan lalo na at gusto nilang maging makatotohanan ang bawat suntok na makikita ng viewers sa serye kung saan gaganap sila bilang boxing rivals.
"Kailangan ipakita sa kamera yung totoong suntok pero, at the same time, kailangan mong iwasan yung suntok. So there were times na tumatama yung suntok ko sa ilong ni Anton and yung reaction n'ya no'n parang nagising s'ya e, pero nangyayari talaga yun at nag-aaral pa rin kami," wika ni Bruce sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras kamakailan.







