Article Inside Page
Showbiz News
Malapit nang mapanood ang pagsabak sa underground fighting ng karakter ni Anton Vinzon sa 'Kamao,' kung saan makakalaban niya ang guest actor na si Eric 'Eruption' Tai.Patuloy na kinagigiliwan ang kapana-panabik na kuwento ng family sports drama series na Kamao, na pinagbibidahan ng Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon.
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras kamakailan, ipinasilip ang isa pang dapat na abangan sa serye: ang pagsabak ng karakter ni Anton na si MakMak sa underground fighting.
Nakunan ng GMA News ang rehearsals ni Anton at ng guest actor ng Kamao na si Eric "Eruption" Tai na makakalaban ni Anton sa serye.






