Article Inside Page

Showbiz News

Humanga si Eric “Eruption” Tai kay Sparkle actor na si Anton Vinzon na kasama niya sa fight scenes sa 'Kamao.'Napabilib ang dating rugby player turned actor na si Eric Tai nang maka-eksena niya ang Sparkle actor na si Anton Vinzon sa high-rating afternoon series na Kamao.

Bida sa Kamao ang former Pinoy Big Brother housemate na gumaganap bilang Mak-Mak, at sa isang episode nakasuntukan nito sa isang underground boxing match si Boy Saltik na pino-portray naman ni Eric Tai.

Nang makapanayam ng GMANetwork.com si Eric sa special movie screening ng 'Super Girl' sa Mall of Asia sa Pasay City, sinabi nito na napakalaki ng 'potential' ni Anton bilang aktor.