Article Inside Page

Showbiz News

Ayon sa Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon, gusto pa niyang makilala lalo ang kanyang 'Kamao' co-star na si Chanty Videla.Bagong kinakikiligan sa hapon ang tambalang Anton Vinzon at Chanty Videla sa family sports drama na Kamao dahil sa kanilang onscreen chemistry.

Ang actress at K-Pop artist na si Chanty ang love interest ng Kapuso dramatic action star na si Anton sa serye, kung saan mortal na magkaaway ang kanilang mga pamilya sa larangan ng boxing. Bagamat magkakumpitensya sa kuwento ang kanilang mga ama na ginagampanan nina Wendell Ramos at Neil Ryan Sese, hindi ito hadlang sa closeness ng mga karakter nina Anton at Chanty.

Sa exclusive GMA News interview ni Nelson Canlas kay Anton, inamin ng binata na isa sa challenges na kanyang hinarap ay ang ma-break ang ice between him and his new leading lady.