Article Inside Page
Showbiz News
Hinangaan ng 'Kamao' viewers ang pagganap ni Kapuso dramatic action star Anton Vinzon bilang MakMak sa GMA family sports drama series.Kasabay ng tumitinding kuwento ng Kamao, level up din ang acting skills ng bida ng serye na si Anton Vinzon.
Hinahangaan ang Kapuso dramatic action star sa GMA family sports drama series, kung saan gumanap siyang batang boksingero.
Sa kuwento, lumalim ang hidwaan ng karakter ni Anton na si MakMak at ng ama nitong si Nonoy, na ginagampanan ni Neil Ryan Sese. Ito ay matapos masaksak ang lolo coach niyang si Domeng, ginagampanan ni Roi Vinzon, dahil sa asaran nang kumalat ang bagong scandal ni Nonoy kung saan sumasayaw ito habang naka-gown.






