Article Inside Page
Showbiz News
Pinag-usapan sa social media ang pilot episode ng first solo lead series ni Kapuso dramatic action star Anton Vinzon na 'Kamao.'Ilang oras bago ang world premiere, certified trending na sa social media ang bagong family sports drama ng GMA na Kamao, na pinagbibidahan ng Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon.
Dalawa sa hot topics ngayong araw, May 25, sa X ang official hashtag ng Kamao pilot episode na #KamaoRoundOne at "ANTON AS MAKMAK."
Sa unang episode ng serye, ipinakilala ang character ni Anton bilang MakMak sa isang boxing match kung saan siya ay napatumba, bago ito lumipat sa flashback ng kanyang pagkabata kung saan hinahangaan niya ang kanyang ama na si Nonoy (Neil Ryan Sese), isang respetadong boksingero na may lihim na pagkatao.






