Article Inside Page

Showbiz News

Nagbigay ng kanilang mga paghanga sina Wilma Doesnt at Kazel Kinouchi sa kanilang mga kasamang young stars sa 'You're My Favorite Song' na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales.Sa isang eksklusibong panayam sa programang 'Fast Talk with Boy Abunda,' nagpahayag ang 'You're My Favorite Song' stars na sina Wilma Doesnt at Kazel Kinouchi ng kanilang paghanga sa dalawang young stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na kasama nila sa GMA Afternoon Prime series.

Sa nasabing panayam, pabirong tinanong sila ng King of Talk na si Tito Boy kung may nalalaman ba sila tungkol sa tanong kung may nanliligaw na nga ba sa lead actress ng serye na si Caprice.

Agad naman sumagot si Kazel at sinabing, “Hindi ko rin alam kung may nanliligaw.”