Article Inside Page
Showbiz News
Sumama ang main stars ng 'You're My Favorite Song' sa isang masayang kuwentuhan sa podcast na Ang Walang Kwentang Podcast.Nakisaya ang tatlo sa main stars ng 'You're My Favorite Song' na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, at Marco Masa sa isang puno ng enerhiya at masayang kuwentuhan sa sikat na Ang Walang Kwentang Podcast, na hosted ng direktor ng kanilang serye na si JP Habac at ng kilalang direktor na si Antoinette Jadaone.
Bago ang pagtatapos ng kanilang serye noong Biyernes, July 31, inilabas ang episode na ito sa mismong YouTube channel ng podcast. Dito ay pinag-usapan nila ang ilan sa kanilang unforgettable moments sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' at sa hit romance-drama series na 'You're My Favorite Song.'
Para sa direktor ng serye na si Direk JP, isa sa hindi niya malilimutan ay ang matinding eksena sa pagitan nina Caprice at Kazel Kinouchi, kung saan nginudngod ng karakter ni Kazel ang batang aktrera sa isang cake.






