Article Inside Page

Showbiz News

Sa harap mismo ng kanilang fans, ibinahagi ng 'You're My Favorite Song' main stars ang kanilang mga hindi malilimutang eksena sa serye.Masayang ibinahagi ng You're My Favorite Song lead stars na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ang kanilang mga hindi malilimutang tagpo sa katatapos lamang nilang hit romance-drama series sa GMA Afternoon Prime.

Nagtapos ang serye noong Biyernes, Hulyo 31, kung saan kinakiligan at kinasabikan ng lahat ang mga huling tagpo sa makulay na kuwento ni Angel (Caprice Cayetano) at ang tatlong lalaki sa kaniyang buhay na sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa).

Kasunod naman ng pagtatapos ng serye, naganap sa SM North Edsa Skydome ang kanilang inaabangan din grand fan meet bilang pagdiriwang na rin sa matagumpay na takbo ng serye kasama ang mga masusugid nilang fans na walang-sawang sumuporta rito.