Article Inside Page

Showbiz News

Ibinahagi ng mga bida ng 'You're My Favorite Song' ang kuwento ng kanilang series at ang mga gagampanang karakter.Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ng lead stars ng upcoming afternoon romance-drama series na You're My Favorite Song na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ang takbo ng kanilang kuwento at ang kani-kanilang kapana-panabik na karakter.

Ayon sa lead actress na si Caprice, iikot ang kuwento ng serye sa kaniyang karakter na si Angel at sa pagtupad sa pangarap ng kaniyang Lolo Xavi na makapagtayo ng isang resort.

Kuwento pa ng Kapuso actress, ang misyong ito ang siyang maglalapit sa kaniya sa iba't iba pang mga tauhan sa serye.