Article Inside Page
Showbiz News
Puno ng pasasalamat ang mga bida ng upcoming series na 'You're My Favorite Song.'Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nagpahayag ng kani-kanilang pasasalamat ang lead stars ng Kapuso romance-drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song bago ang nalalapit nitong pag-ere sa telebisyon.
Ibinahagi nina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ang kanilang mga nararamdaman at kung gaano sila nagpapasalamat para sa pagkakataong itong bibida sila sa kauna-unahang pagkakataon sa isang serye.
Ayon kay Caprice, nagpapasalamat siya sa walang humpay na suportang kanilang natatanggap magmula pa lamang sa kanilang pagpasok at paglabas sa PBB Celebrity Collab 2.0 hanggang sa panibagong yugtong ito sa kanilang career.






