Photo Inside Page
Photos
Ngayong Lunes na, June 22, mapapanood ang You're My Favorite Song sa GMA Afternoon Prime. Pagbibidahan ito ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Marco Masa, at John Clifford.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 17, nagpasalamat ang apat na bida ng serye sa suportang natanggap nila mula sa paglabas ng Bahay ni Kuya, hanggang sa nalalapit nilang serye.
“Ever since lumabas po kami ng Bahay ni Kuya, grabe po 'yung love at suporta po na binibigay sa amin, kaya maraming salamat po sa solids and ships sa inyo. Ang You're My Favorite Song ay para po sa inyo,” sabi ni Caprice.






