Article Inside Page
Showbiz News
Nag-abot ng espesyal na handog ang mga tagahanga ng lead stars ng 'You're My Favorite Song' bilang pagsuporta sa media day at nalalapit na premiere ng serye.Hinandugan ang mga bida ng You're My Favorite Song na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ng isang surprise treat ng kani-kanilang mga fan group. Ginanap ito nitong Miyerkules, June 17, kasabay ng media day para sa kanilang upcoming GMA Afternoon Prime series.
Bukod sa apat na bida, dumalo rin sa media day ang kanilang mga kapwa young stars at mga dating PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na bahagi rin ng cast ng naturang serye.
Sa nasabing event, ipinaramdam ng mga tagasuporta ang kanilang pagmamahal at pananabik sa nalalapit na telecast ng kauna-unahang proyekto kung saan magkakasama ang kanilang mga idolo.






