Article Inside Page

Showbiz News

Umaapaw ang pasasalamat ng lead stars ng You're My Favorite Song para sa tagumpay ng pagtatapos ng kanilang serye at sa suporta ng fans sa kanilang grand fan meet.Ibinahagi ng main cast ng You're My Favorite Song na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ang kanilang labis na pasasalamat sa lahat ng kanilang supporters at fans.

Sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com, ipinahayag ng apat ang kanilang kagalakan sa walang-sawang suportang natanggap ng katatapos lang nilang GMA Afternoon Prime romance-drama series, pati na rin sa matagumpay na grand fan meet na ginanap noong Sabado, August 1, sa SM North EDSA Skydome.

Ayon kay Caprice, ang kanilang solid fans at supporters ang pangunahing dahilan kung bakit naging posible ang naturang fan meet, kaya naman buong-puso ang kanilang pasasalamat sa mga ito.