Article Inside Page
Showbiz News
Kilig at lamig ng boses ang hatid ni Heath Jornales sa madlang pipol ngayong Huwebes!Ipinamalas ng You're My Favorite Song lead actor na si Heath Jornales ang kaniyang charm at talent sa pagkanta sa kaniyang latest performance sa episode ng noontime show na It's Showtime!
Si Heath ay nag-guest sa naturang programa at siya ang nagsilbing opening prod, kung saan pinakilig at hinaranahan niya ang madlang pipol sa pamamagitan ng kaniyang maramdamin at napakalamig na pag-awit ng kaniyang bagong single na Ikaw Pa Rin Hanggang Ngayon.
Matapos ang kaniyang nakakadala at mahusay na performance, mainit siyang binati ng It's Showtime hosts at pinalakpakan ng masisiglang studio audience.






