Article Inside Page
Showbiz News
May magandang balita sina Caprice Cayetano at Heath Jornales sa kanilang mga fans!Sinorpresa ng You're My Favorite Song lead stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales, o mas kilala bilang ang tambalang 'CapEath,' ang kanilang mga solid na fans at supporters ng isang maganda at kapana-panabik na anunsyo tungkol sa kanilang mga susunod na proyekto.
Matapos ang kanilang matagumpay na pagsasama sa katatapos lamang na hit romance-drama sa GMA Afternoon Prime, nakisaya noong Sabado, August 1, sina Caprice at Heath kasama ang kapwa nila stars sa serye na sina Clifford at Marco Masa sa ginanap na grand fan meet na dinaluhan ng napakaraming tagasubaybay at fans.
Sa naturang fan meet, bago magtapos ang programa, may inanunsyo ang 'CapEath' na magandang balita na talagang ikinasorpresa ng lahat.






