Article Inside Page
Showbiz News
Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat ang CapEath sa kanilang mga tagahanga para sa patuloy at umaapaw na suporta mula sa mga ito.Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ipinaabot nina You're My Favorite Song lead stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales, o mas kilala bilang ang 'CapEath,' ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa kanilang mga fans at supporters para sa walang-sawang pagsuporta sa kanila maging sa takbo ng kanilang mga karera.
Sa naturang episode ng afternoon talk show, itinanong ni Tito Boy kina Caprice at Heath kung mayroon ba silang mensaheng nais iparating sa kanilang mga tagahanga na todo ang suporta sa kanila lalo pa't nalalapit na ang pag-ere sa telebisyon ng kanilang serye sa GMA Afternoon Prime.
Ayon kay Caprice, nagpapasalamat siya at labis ang appreciation niya para sa lahat ng fans nila lalo na sa mga efforts nito upang suportahan sila. Aniya'y ang kinalalagyan nila ngayon ay bunga ng walang sawang pagsuporta mula sa mga ito.






