Article Inside Page
Showbiz News
Hinahangaan nina Katya Santos at James Blanco ang husay sa pag-arte at ang professionalism sa trabaho ng 'CapEath' sa You're My Favorite Song.Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, hindi naitago nina Katya Santos at James Blanco ang kanilang matinding paghanga sa mga bida ng You're My Favorite Song.
Ayon sa dalawa, labis silang napapahanga sa husay sa pag-arte at propesyonalismo sa trabaho ng mga bagong bida na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales, o mas kilala ngayon bilang ang tambalang 'CapEath.'
Matapos na tanungin ni Tito Boy kung kumusta ang naging karanasan nila na makatrabaho ang mga nakababatang artista sa serye, pinuri ni James kung ang husay na taglay ng lead actress ng serye na si Caprice.






