Article Inside Page

Showbiz News

Miss na raw ni Heath Jornales ang kaniyang mga kaibigan at co-stars sa seryeng 'You're My Favorite Song.'Ikinuwento ng young Kapuso actor na si Heath Jornales ang kaniyang pagka-miss sa mga kaibigan at co-stars sa katatapos lang na seryeng You're My Favorite Song.

Nagtapos noong Hulyo 31 ang hit romance-drama series ng GMA Afternoon Prime. Maraming tagasubaybay ang tumutok sa kuwento ni Angel, ang karakter ng aktres na si Caprice Cayetano, at sa tatlong binata sa kaniyang buhay: sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa).

Sa pagtatapos ng serye, ang karakter ni Miguel ang pinili ni Angel. Kinakiligan ito nang husto ng mga manonood, lalo na ng mga sumusuporta sa tambalang 'CapEath.'