Article Inside Page

Showbiz News

Successful ang operasyon na ginawa kay Josh Ford.Pagkatapos ng successful eardrum and nasal operation, balik trabaho na ang The Secrets of Hotel 88 star na si Josh Ford.

Sa report ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Biyernes, June 19, sinabi ng aktor na nakakuha na siya ng clearance mula sa kaniyang doktor para sa light activities. Ngunit pag-amin ni Josh, aabutin pa ng ilang buwan bago tuluyan siyang gumaling at maka-recover.

“I had an ear surgery for my perforated eardrum ang ginawa po ng doctor, myringoplasty. Tinakpan lang po nila para I can finally swim or shower normally at mas better po yung hearing ko. And yung pala sa nose ko naman po is for my sinus. I had a polyps removal,” pagbabahagi ng aktor.