Photo Inside Page

Photos

Matapos ang ilang panahong pag-iipon at pagsisikap, nangyari na kay Josh Ford ang isang life-changing event na matagal na niyang gustong maisagawa sa ilan sa kanyang body parts.

Sa latest post na makikita sa social media accounts ni Josh, inilahad na sumailalim na siya sa nose at ear surgeries.

Sulat niya sa caption, “Finally, nangyari na. Septoplasty, uncinectomy, polypectomy, left turbinectomy, and left myringoplasty done. Thank you Lord for a successful surgery. Praying for a smooth recovery and better days ahead.”