Article Inside Page
Showbiz News
Pagkatapos ng kaniyang operasyon, maririnig nang muli ni Perry ang pag-awit ng anak na si Jeni.Pagkatapos ng maraming pagsubok at iba pang health scare, naging matagumpay ang operasyon ni Perry (Smokey Manaloto) sa Born to Shine at muli nang nakakarinig.
Matatandaan na kamakailan lang ay naaksidente si Perry matapos mahulog sa stage sa fanmeet ng YUMI dahil sa panggugulo ni Karina (Gilleth Sandico). Ang aksidenteng ito ay nagresulta sa pagkawala ng pandinig ni Perry, na pinag-alala ng pamilya niyang sina Minchie (Manilyn Reynes) at Jeni (Zephanie).
Maaari pa namang maibalik ang pandinig ni Perry ngunit ayon sa doktor, milyon ang gagastusin ng kanilang pamilya para magawa ang operasyon. Dahil dito, pinilit na lang muna niya na mamuhay ng normal sa tulong ng hearing aids, ngunit hindi ito naging matagumpay lalo na at nakakarinig ng malakas na feedback si Perry.






