Article Inside Page

Showbiz News

Labis na sakit ang naramdaman ni Perry sa ginawa ng asawang si Minchie sa 'Born to Shine.' Magbago kaya ang relasyon nilang dalawa?Lubos na nasaktan si Perry (Smokey Manaloto) sa mga rebelasyon ni Amelia (Tessie Tomas) tungkol sa relasyon noon ng asawa niyang si Minchie (Manilyn Reynes) at kabanda nilang si Dio (Rayver Cruz) sa Born to Shine.

Sa episode nitong Sabado, May 30, narinig ni Perry ang komprontasyon sa pagitan nina Amelia at Minchie kung saan ibinulgar ng una ang plano sana nina Dio at Minchie na iwan ang kani-kanilang mga pamilya para magsama.

Pag-alis ni Amelia, kinompronta kaagad ni Perry si Minchie at nakumpirma nitong totoo ang mga sinabi nito.