Article Inside Page

Showbiz News

Isang matinding sikreto ba ni Amelia ang sisira sa relasyon nina Minchie at Perry sa 'Born to Shine'?Isang matinding sikreto ang itinatago ni Amelia, ang karakter na ginagampan ni Tessie Tomas, sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine.

Isa na rito ay ang relasyon sa pagitan nina Minchie (Manilyn Reynes) at Dio (Rayver Cruz). Sa episode nitong Sabado, May 30, binalikan ni Amelia kung papaanong pinlano noon ni Dio na iwan ang kaniyang asawa at anak na sina Dara (Vina Morales) at Megan (Olive May) para sa kaniya.

Kasabay nito, ibinulgar din ni Amelia ang plano ni Minchie na iwan noon sana sina Perry (Smokey Manaloto) at anak niyang si Jeni (Zephanie).