Article Inside Page
Showbiz News
Pagaling na nga ba si Perry, o may nakaambang panibagong trahedya'?Matapos ang ilang pagsubok at close calls ni Perry (Smokey Manaloto), pumayag na siya sa wakas na magpaopera para sa kaniyang cochlear implant surgery sa Born to Shine.
Successful naman ang naging operasyon na ikinatuwa nina Minchie (Manilyn Reynes) at Jeni (Zephanie). Ngunit nalaman nila na tila hindi pa rin nakakarinig si Perry, kaya nanumbalik ang kanilang pangamba.
Nitong mga nakaraang episode, napag-usapan nina Minchie at Dara (Vina Morales) ang pagtatago nila ng katotohanan tungkol sa pagkatao ni Jeni. Ngunit naputol ang kanilang usapan nang magkaroon ng severe allergic reaction si Perry.






