Article Inside Page

Showbiz News

Nominado ang 'Kamao' stars na sina Anton Vinzon, Roi Vinzon, Amy Austria, at Katrina Halili bilang Outstanding Asian Star in the Philippines sa Seoul International Drama Awards 2026.Mahigit tatlong linggo pa lang napapanood ang Kamao sa telebisyon, nakakuha agad ng atensyon ang family sports drama sa global stage.

Sa katunayan, lima sa cast members ng GMA Afternoon Prime series ang nominado sa Seoul International Drama Awards (SDA) 2026 bilang Outstanding Asian Star in the Philippines.

Nangunguna na riyan ang Kapuso dramatic action star at bida ng Kamao na si Anton Vinzon. Nominado rin para sa nasabing kategorya ang ama ni Anton at veteran actor na si Roi Vinzon, at mga aktor na sina Amy Austria at Katrina Halili.